ang kapit-bahay kong bungangera
May kapit-bahay ako, matanda na siya
Naaawa ako sa kanya nung una
Kasi naman pag nagkukuwento kala mo kung talagang kaawa-awa
Ngunit nang maglaon hindi lang inis kundi pagkamuhi pa ang nararamdaman ko sa kanya
Ginahasa lang daw siya noong dalaga pa
ng lalaking ngayon ay ka live-in niya
Apat ang anak nila at pawang malalaki na
Ngunit hanggang ngayon hindi pa ikinakasal sa dambana
Dahil mahilig akong mag-short pants napansin niya
Mas seksi daw siya sa akin nung mas bata pa siya
Maputi daw at makinis ang kutis ng balat niya…
Ows? Kaya siguro ginahasa dahil sobrang kaakit-akit siya?
Nahihiya akong kausapin ng mga anak niya
Madalas hindi makatingin ng diretso sa akin sa mukha
Hindi dahil sa sobrang mala-diyosa kong ganda
Hindi rin dahil duling sila ha…
Kundi dahil sa nanay nila na walang tigil kadadakdak, kasasalita
Aaminin ko dati akong peminista
Ipinaglalaban karapatan ng kapwa ko babaeng kinakawawa
Ngunit meron din palang mapang-abusong babae sa pamilya
Emotionally, psychologically, and verbally most especially, ay tortured sila!
Araw-araw na lang ay walang ginawa
Kundi sabihin lahat ng paghihirap at problema niya
Akala mo kung ang daming inaasikaso sa bahay nila
Pero kung tutuusin nga ay donya siya
Hindi naman siya naghahanap-buhay sa labas para sa pamilya
Nanonood nga lang ng T.V. maghapon ha
Pero at least once a week naman ay naglalaba
Ano lang ba kung nag-aayos siya ng mga gamit nila?
Hindi ba’t obligasyon niya dapat iyon bilang asawa’t ina?
Ngunit isinisingil niya ito araw-araw sa kanyang pamilya.
Wala akong makitang taos-pusong pagsisilbi niya
Lahat isinusumbat, pati nga ang paminsan-minsang pagluluto at paghuhugas niya
Marami nga diyang babaeng higit malala ang kalagayan kaysa sa kanya
Maghapong pagod sa paghahanap-buhay may maipakain manlang sa pamilya
Sila pa ang nag-aasikaso sa bahay, nag-aayos ng mga kagamitan nila;
nagluluto, naghuhugas, namamalantsa, o naglalaba pa
pagod na pagod man, at kahit inaantok na
Ngunit and istupidang kapit-bahay ko nakakainis na
ang asawa’t mga anak pagod man sa mga trabaho nila
Imbes makapagpahinga sa pag-uwi, lalo lang sumasakit ang ulo nila
Dahil ang sumasalubong ay putak ng putak, maingay na bunganga
na malala pa sa radyo at paulit-ulit na sirang plaka!
Ako nga rin sawang-sawa na
Buti sana kung marunong siyang makinig ngunit hindi ha
Hindi matanggap sariling pagkakamali, lagi na lang siyang tama
Mga pamilya’t kapit-bahay kontra-bida sa buhay niya
At siya naman kunwari ang super-duper bida
Totoo, bakit nga ba naman ang babae ay magbubunganga
kung ang asawang lalaki ay walang kalokohang ginagawa, di ba?
Ngunit sa kapit-bahay ko baliktad ang nagyayari sa kanila
Totoo din na dahil sa sobrang pagbubunganga ng asawa’t ina
Ang ama’t mga anak ay nagkakandaloko-loko na
Nagkakandaletse-letse ang buhay nila.
Ang masama pa niyan mapanira siya ng kanyang kapwa
Kung ano-anong kinukuwento sa buhay ng iba
Mayabang at hindi marunong magpakumbaba
Wala namang maipagmamalaki, walang maipakita
Ewan ko ba lagi naman siyang nagsisimba
Ngunit wala namang pagbabago sa bulok na ugali niya
Ang Diyos daw ang laging kasakasama
at tanging nakakaintindi, nakakaunawa sa malinis na puso niya
Ngunit sadyang mapagbalat-kayo ang pagkatao niya
Kahit nga mga counselors at psychiatrists ay magsama-sama
sasang-ayon sa aking mga sinasabi kung oobserbahan siya
Hysterical, neurotic, paranoid, at may OCD pa siya
Malala na nga talaga ang sakit sa utak ng kapit-bahay kong bungangera
Pasensiya na ha! Siguro nga rin ako’y tsismosa
Wala na kasi akong mapaglabasan ng inis, ako’y sawang-sawa na!
Gusto ko mang igalang at irespeto dahil siya’y nakakatanda
Pero totoo nga rin kasi ang kasabihang, “Maturity doesn’t come with age,” di ba?
Pag hindi ako nakapagtimpi, baka ang laman ng susunod kong kuwentong tula
ay ang pag-aaway namin ng buwisit kong kapit-bahay na babaeng matanda.
Aside from bungangera at gurang na, malala na ang pagkasira ng ulo niya!